Hakbang 1: I-upgrade ang Iyong Water Heater

Ang Heat Pump Water Heater ay maaaring maging isang malaking pamumuhunan. Natural lang na subukang bawasan ang mga gastos sa pamamagitan ng mga Do-It-Yourself na paggawa o pagkuha ng handyman. Pero kumplikado ang pagsasagawa ng mga upgrade na ito. Maaari kang mapagastos ngayon o sa hinaharap kapag nagkamali ka. Dahil dito, lubos naming inirerekumenda na kumuha ng isang lisensyado, may insurance na kontraktor para gawin ang trabaho nang tama. Bukod pa rito, marami sa mga kontraktor na nakaranas ng electrification sa bahay ang updated sa lahat ng pinakabagong programa para mapakinabangan ang mga incentive mo.

Hanapin ang Iyong Installer

Inirerekomenda naming sundin ang pinakamahuhusay na kagawian na ito kapag pumipili ng mga kontraktor, kabilang ang mga kontraktor sa mga listahan sa ibaba.  

  • Kausapin at humingi ng pagtatantya sa hindi bababa sa tatlong kontraktor. 

  • Humingi ng mga sanggunian na makakapagpatunay ng kalidad ng ibinigay na serbisyo. 

*Ang listahan ng Kontraktor na ito ay nagbibigay-impormasyon lamang at hindi ini-endorso ang SFPUC.

Kumuha ng (mga) Permit

Kapag kumuha ka ng lisensyadong kotraktor o nagsagawa ng self-installation, kailangan mong kumuha ng permit para sa gawaing ito. Sa San Francisco, maaaring mag-apply ang mga lisensyadong kontraktor ng instant online permit gamit ang online plumbing portal ng Department of Building Inspection. Depende sa kasalukuyan mong mga kalagayan, maaaring kailanganin mo ng karagdagang permit tulad ng electrical permit. Kung hindi ka sigurado kung ano ang kailangan, sumangguni sa Department of Building Inspection. Makokontak mo sila sa email sa dbicustomerservice@sfgov.org.

Pagsasagawa ng Self-Installation

Pwede mong piliin ang self-installation sa San Francisco pero para lang sa mga owner-installer ng stand-alone, single-family na mga tirahan na may sapat na kadalubhasaan (mas mahirap i-install ang heat pump water heater kaysa de-gas na water heater). Maaari mong tingnan kung kwalipikado ang ari-arian mo gamit ang mapa ng Assessor. Para mag-apply, kumpletuhin ang (mga) permit application at ipadala sa email sa dbi.inspectionservices@sfgov.org

Inirerekomenda namin ang sumusuno na mga permit kapag nag-self install dito sa San Francisco. 

Mga Programa ng Heat Pump Water Heater para sa mga Residential Customer

Patuloy na sinusubaybayan ng aming team ng programa ang kasalukuyan at umuusbong na mga programa ng insentibo upang matiyak na ang aming mga customer ay magiging karapat-dapat para sa pinakamaraming mapagkukunang pinansyal hangga't maaari. Ang isang listahan ng mga potensyal na programa ay nasa ibaba:

  • SF Climate Equity Hub sfenvironment.org (Aktibo) - Nagbibigay ng high-touch na suporta sa mga customer na kwalipikado sa kita para sa electrification sa bahay. 

  • Mga Golden State Rebate goldenstaterebates.com (Di-aktibo) - Kumuha ng coupon para i-redeem para sa Heat Pump Water Heater sa Lowe's o Home Depot 

  • TECH Clean California techcleanca.com (Akitbo) - Isang programa sa pagsasanay at incentive para sa mga lisensyadong kontraktor para magtiwala ka sa iyong installer. 

  • Pederal na "25C" na Tax Credit energystar.gov (Magtatapos sa 2025) - Makakuha ng pera mula sa mga tax return sa susunod na taon kapag kwalipikado ang pag-install mo.

  • Energy Smart Homes caenergysmarthomes.com (Akitbo) - Makakuha ng mas malaking incentive para sa pag-convert ng iyong buong bahay sa mahusay na mga de-kuryenteng appliance.