Pag-upgrade ng Water Heater na Program
Go Electric at makakuha ng $1,200 na bill credit kapag lumipat ka sa isang malinis at mahusay na water heater
Bilang customer ng CleanPowerSF, malinis na ang ginagamit mong enerhiya sa iyong tahanan mula sa mga renewable na mga mapagkukunan tulad ng hangin at solar. Ngayon ay magiging mas malaki ang epekto mo sa kapaligiran sa pamamagitan ng pag-modernize ng iyong tahanan gamit ang malinis, ligtas, at napakahusay na dekuryenteng mga appliance, gaya ng Heat Pump Water Heater.
Sa pamamagitan ng aming Water Heater Upgrade Program, makakatanggap ka ng $50 na buwanang bill credit sa loob ng dalawang taon (hanggang tatlong taon kung nasa discount program ka tulad ng CARE/FERA) kapag lumipat ka sa malinis at mahusay na water heater.
Bakit Ako Mag-a-upgrade sa Heat Pump?
Gawing moderno ang Tahanan Mo: Mas mahusay ang teknolohiya ng Heat Pump kaysa sa mga de-gas na appliance at itinatampok sa karamihan ng mga bagong tahanan. Lalo nang angkop ang pambihirang teknolohiyang ito sa ating banayad na klima sa San Francisco.
Bawasan ang pagkakalantad sa polusyon at panganib sa sunog: Naglalabas ng nakakasamang pollutant sa tahanan mo ang mga de-gas na appliance. Napakadaling masunog ng gas, kaya mapanganib ito sa kalusugan at kaligtasan, lalo na kung may lindol o sunog.
Para sa Klima: Isa ang pagbabawas at pagtigil sa paggamit ng gas sa pinakamahalagang maaari mong gawin para labanan ang climate change dahil binubuo ng paggamit ng residential at komersyal na gas ang higit sa one-third ng greenhouse gas emission ng San Francisco.
Kung Paano Gumagana ang mga Heat Pump
Diagram kung paano gumagana ang mga heat pump water heater, kabilang ang air intake (1), compressor (2), heating element (3) at mga digital na kontrol (4) (Source: New Buildings
Gumagana ang heat pump sa pamamagitan ng paglipat ng init sa halip na pagsunog ng gasolina. Para sa mga water heater, sinisipsip ng heat pump water heater ang init mula sa hangin sa paligid at inililipat iyon sa iyong tangke ng mainit na tubig. Dahil sa kakaibang paraang ito, hanggang pitong beses na mas mahusay ang heat pump water heater kaysa sa karaniwang de-gas na tangke ng water heater. Tinutulungan din ng mga Heat Pump Water Heater ang mga customer na maiwasan ang paggamit ngenerhiya sa mahal na peak hours sa pamamagitan ng pagpapainit nito sa mga oras ng hindi peak at pag-iimbak nito hanggang sa kailanganin na.
Paano Gumagana ang Programa
Ang aming bagong Water Heater Upgrade Program ay gagantimpalaan ka ng dalawang taon na $50 buwanang bill credits pagkatapos mong i-upgrade ang iyong kasalukuyang pampainit ng tubig at i-enroll ang iyong bagong pampainit ng tubig sa isang load shifting program.
-
Ang Heat Pump Water Heater ay maaaring maging isang malaking pamumuhunan. Natural lang na subukang bawasan ang mga gastos sa pamamagitan ng mga Do-It-Yourself na paggawa o pagkuha ng handyman. Pero kumplikado ang pagsasagawa ng mga upgrade na ito. Maaari kang mapagastos ngayon o sa hinaharap kapag nagkamali ka. Dahil dito, lubos naming inirerekumenda na kumuha ng isang lisensyado, may insurance na kontraktor para gawin ang trabaho nang tama. Mag-click dito para sa mga tip sa pag-install at para makita ang.
-
Ang matagumpay na proyekto ng electrification ay hindi lamang nagtatapos sa pag-install, ang pagkuha sa tamang rate ng kuryente at ang pag-set ng iyong water heater para mag-load ng shift nang hindi sa mga peak na oras ay mahalaga para sa matagumpay na karanasan at kinakailangan para makuha ang iyong mga bill credit. Mag-click dito para sa higit pang impormasyon sa mga rate at para sa mga direksyon para.
-
Ngayong na-upgrade mo na ang iyong Water Heater at na-enroll na ito sa isang load-shifting program, handa ka nang mag-apply para sa mga bill credit. Narito ang mga kailangan:
Isang kopya ng pinakabago mong CleanPowerSF / PG&E bill.
Katibayan ng iyong Pagbili ng Water Heater na nagpapakita ng petsa ng pagbili o pag-install
Mga larawan ng iyong naka-install na heat pump water heater:
Isang larawan ng iyong Water Heater na nagpapakita ng modelo at serial number.
Isang larawan ng iyong Water Heater na may 10 talampakan ang layo.
Mga opsyonal na isusumite (na makakatulong sa pagproseso):
isang screenshot ng iyong WatterSaver online dashboard na may address ng tirahan.
iyong plumbing permit number. Hanapin ito gamit ang Permit Tracker ng DBI.
Pagiging karapat-dapat
Para maging kwalipikado para sa Water Heater Upgrade Program, dapat maabot ng mga customer ang mga sumusunod na kahilingan:
Maging isang residential customer ng CleanPowerSF.
Palitan ang kasalukuyang water heater ng karapat-dapat na heat pump water heater (mag-click dito para sa listahan ng mga pre-qualified na produkto)
I-enroll ang iyong bagong water heater sa isang karapat-dapat na load shift program gaya ng WatterSaver.
Sundin ang mga kinakailangang permit ng Department of Building Inspection.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagiging karapat-dapat, suriin ang aming Program Handbook.
Mag-click Dito para mag-apply para sa Bill Credit
Mga Madalas Itanong
-
Lahat ng customer ng CleanPowerSF residential nagpalit ng electric resistance o gas water heater ay karapat-dapat sa programang ito.
-
Isang kopya ng pinakabago mong CleanPowerSF / PG&E bill.
Katibayan ng iyong pagbili ng Water Heater na nagpapakita ng petsa ng pagbili o pag-install (hal. Invoice, Resibo, Plumbing Permit).
Dalawang larawan ng iyong heat pump water heater: (1) isang larawan ng iyong Water Heater Nameplate na nagpapakita ng modelo at serial number, (2) isang larawan ng iyong Water Heater mula sa 10 talampakan ang layo.
Para mapabilis ang iyong aplikasyon, hinihikayat ka naming magsumite ng plumbing permit at isang screenshot ng dashboard ng WatterSaver.
-
Oo, kuwalipikado para sa programang ito ang mga proyektong self-installed / "do it yourself" heat pump water heater. Pakitandaan na tulad ng lahat ng pag-install ng water heater, ang mga self-installed na proyekto ay kailangan pa ring kumuha ng permit mula sa department of building inspection at pinapayagan lamang para sa mga single-family na ari-arian na tinitirhan ng may-ari. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng DBI para malaman kung paano mag-apply para sa plumbing permit pagkatapos ay mag-scroll paibaba para basahin ang seksyong “Mga Espesyal na Kaso.
-
Sa kasamaang palad, kung nag-install ka ng heat pump water heater bago ang Marso 15, 2025, hindi ka kwalipikado sa pagkakataong ito dahil ibang programa ng Heat Pump Water Heater ang nagpapatakbo sa CleanPowerSF.
-
Sa kasamaang palad, hindi sila kwalipikado. Available lang ang program na ito sa mga proyektong replacement/retrofit kung saan ang isang water heater na gas o electric resistance ay pinapalitan ng naka-install na heat pump water heater.
-
Oo, kuwalipikado para sa programa ang mga pinapaupahang ari-arian pero mapupunta ang mga bill credit sa sinumang customer ng CleanPowerSF (hal. kung hawak ng may-ari ng gusali ang electrical account, karapat-dapat ang may-ari. Kung hawak ng nangungupahan ang electrical account, matatanggap ng nangungupahan ang mga bill credit. Sa sitwasyong iyon, maaaring hikayatin ng may-ari ang nangungupahan na mag-enroll).
-
Oo, ang Water Heater Upgrade Program ay isang CleanPowerSF program na nagbibigay ng mga incentive sa pamamagitan ng mga bill credit na konektado sa pisikal na address ng water heater at ng customer account. Kung magpapasya kang mag-opt out sa CleanPowerSF habang nakikilahok sa Programa, mawawala ang iyong mga natitirang bill credit.
-
Sa kasamaang palad, hindi nailiipat ang mga bill credit kaya hindi ka na makakatanggap ng buwanang bill credit kung lilipat ka mula sa kasalukuyan mong address.
-
Walang petsa nga pagtatapos ang programang ito pero matatapos ito kung mauubos ang available na pondo. Ipapamahagi ang pondo sa first-come, first served basis batay sa petsa ng pagsusumite ng aplikasyon.
-
Patuloy na sinusubaybayan ng aming program team ang kasalukuyan at umuusbong na mga programa ng incentive para matiyak na magiging karapat-dapat ang aming mga customer para sa pinakamaraming mapagkukunang pinansyal hangga't maaari. Nasa ibaba ang listahan ng mga potensyal na programa:
Para sa karagdagang impormasyon sa mga partikular na halaga ng programa, katayuan, at buod, bumisita dito.
-
Malalaki ang pagkakaiba ng gastos sa pag-install batay sa pagiging available ng mga incentive ng programa at mga katangian ng iyong tahanan. Batay sa data mula sa aming programa ng insentibo mula 2022 hanggang 2025, para sa isang karaniwang 240-volt na pag-install sa San Francisco, ang gastos ay nasa pagitan ng $6,000 hanggang $9,000 bago ang mga insentibo. Gayunpaman, mayroong iba't ibang available na programa para bawasan ang mga paunang gastos kabilang ang mga pederal na tax credit, Statewide TECH Program, at Golden State Rebate.
Batay sa data ng aming programa, ang paglipat at pag-install ng 120-volt plug-in na water heater, pag-install ng mga split-system unit, o pangangailangan para sa malalaking electrical na gawain ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng mga gastos sa pag-upgrade na ito.
Based on our program data, relocation, installation of a 120-volt plug-in water heater, installation of a split-system units, or need for significant electrical work can increase the costs of this upgrade costs.
-
Lubos naming inirerekomenda ang pag-install ng thermostatic mixing valve (TMV) bilang bahagi ng iyong pag-install. Awtomatikong hinahalo ng mixing valve ang kaunting malamig na tubig sa iyong mga linya ng mainit na tubig para awtomatikong maiwasan ang pagkapaso. Binibigyang-daan nito na maimbak ang tubig sa iyong tangke sa mataas na temperatura upang madagdagan ang iyong kabuuang kapasidad habang iniiwasan ang anumang panganib ng pagkapaso. Pinapataas ng thermostatic mixing valve ang dami ng mainit na tubig ng higit sa 20-porsiyento o katumbas ng 10 hanggang 15 galon.
-
Oo, maaari mong gamitin ang sinumang lisensyadong kontraktor na gusto mo para sa aming programa. Kung gusto mong matiyak na pamilyar ang kontraktor sa electrification sa bahay, maaari mong suriin ang listahang ito ng mga aktibong kontraktor na nakapag-install na ng mga heat pump water heater sa San Francisco o ang listahan ng mga kontraktor ng water heater mula sa Switch is On, na naglilista ng lahat ng kontraktor na karapat-dapat sa Statewide Incentive program TECH Clean CA.
Tandaan: Ang listahan ng Kontratista na ito ay para lang sa impormasyon at hindi nangangahulugang nag-eendorso ang SFPUC. Siguraduhing lubusang suriin ang sinumang kontratista.
-
Makakatulong sa iyo ang pag-enroll sa isang Time-Of-Use rate na sulitin ang iyong bagong water heater sa pamamagitan ng pagbibigay ng reward sa iyo dahil mas kaunting kuryente ang nagamit mo sa mga oras na hindi peak hour. Iba ang paggana ng mga heat pump water heater at maaaring gamitin ang tangke nito bilang "baterya" ng mainit na tubig para mag-imbak ng init sa kalagitnaan ng araw kapag may maraming mura na solar na kuryente at may available na mainit na tubig kapag kailangan mo ito. Pangunahing layunin ng programang Water Heater Upgrade ay bigyan ka ng incentive na gawin iyon - para magsagawa ng load shifting ang iyong water heater araw-araw para makatipid ka sa gastusin sa kuryente, bawasan ang mga emission, at makatulong na maiwasan ang grid outage.
-
Ang ginagamit mong electric rate ay maaaring magkaroon ng malaking impluwensya sa iyong mga bill at maaaring mag-iba ang pinakamahusay na rate para sa iyo depende kung mayroon kang EV, Solar, Baterya, at air conditioning dahil malaki ang maaaring epekto nito sa laki ng kuryenteng ginagamit mo sa peak time at off-peak time.
Kapag isinasaalang-alang kung paano maaaring makaapekto sa iyo ang pagdaragdag ng heat pump water heater, ang EV2 o E-ELEC na rate ay karaniwang mabuting isaalang-alang dahil ang mga ito ay may pinakamababang gastos sa off-peak na mga rate. Gayunpaman, ang mabababang off-peak na rate na ito ay may kasamang trade-off dahil ang E-ELEC ay nangangailangan ng $15/buwan na singil at ang EV2 ay may mataas na gastos na peak electric rate.
When considering how adding a heat pump water heater may impact you, EV2 or E-ELEC rate are typically both worth considerations because they have the lowest cost off-peak rates. However, these low off-peak rates come with trade-offs as E-ELEC requires a $15/month charge and EV2 comes with a high-cost peak electric rate.
-
Kung ang water heater mo ay hindi tugma sa WatterSaver pero kwalipikado naman kung hindi lang ito isasaalang-alang, direktang makipag-ugnayan sa amin sa goelectric@sfwater.org. Nakikipagtulungan kami sa mga kontraktor at administrator ng Programa para matiyak na maraming water heater ang kwalipikado hangga't maaari.
Para sa mga tanong tungkol sa programa, makipag-ugnayan sa amin sa goelectric@sfwater.org